ADDITIONALS: Tagalog Quotations

Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.


Iwasto ang kamalian sa halip na pagtawanan.


hk

Ang pagtitiwala’y saligang matibay sa dalawang pusong nagmamahalan.


Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay at karamay lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.


Philippines
taken at the Luneta Park


Sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan.


Ang kabutihan ng ugali ay mas higit pa sa salapi.


Walang umani ng tagumpay na di sa hirap nagmula.


Ang gawa sa pagkabata ay dala hanggang pagtanda.


Umilag ka sa kasama na walang hatol na maganda, nang di ka mamihasa sa masamang gawa niya.


Kapag pinangatawanan ay sapilitang makakamtan.


Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.


Huwag mong asahan ang pangako ng isang kaaway.

No comments:

Post a Comment